Huwebes, Oktubre 10, 2013







Pagsusuri sa nobelang Kung Wala na ang Tag-araw (Rosario de Guzman-Lingat)


Salamin ng Lipunan
            Iba-iba ang tao sa lipunan. Hindi dapat husgahan ang isa sa kung ano ang nagawang mali ng iba. Ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalan ni Pedro.

Lalaki
Babae

      Hindi lahat ng lalaki ay babaero. Mayroon din namang tulad ni Lucio na tapat sa asawa subalit mayroong tulad din ni Eking na namamangka sa dalawang ilog at nagbibigay ng masamang impluwensya sa ibang lalaki. Sa kwento ay nagawa iyon ni Victor dahil nakinig siya sa sinabi ni Eking.

Victor: “Bakit mo ginagawa iyan?”
Eking: “Bakit ko ginagawa ito? Simple lang ang sagot. Tao ako. At sinong tao ang hindi kaligayahan ang hangad sa buhay na ito? Maikli ang buhay, Victor. Lalong maikli an gang kabataan. Hindi mo namamalayan, lumilipas ang mga tao, at tinatangay nito ang iyong kabataan. Bago mo malaman, wala na ang lakas, ang init, ang sigla ng iyong katawan. Tapos na ang tag-araw sa iyong buhay.”

      Napag-isip isipan niyang ang bata pa niyang natali kaya hindi niya na-enjoy ang buhay kaya tulad ni Eking dapat siyang magpakasaya habang bata pa. ipinakita ito ng magkausap sila ni Lucio.

Lucio: “A iyan ang kaligayahan? Ang magulong buhay na ganyan?”
Victor: “Lalong mabuti. Simulang ang buhay habang bata pa. Maghihintay pa ba naman tayong tumanda. Simulan ang buhay habang maaga. Nang mahaba ang kaligayahan!”



      Sa lipunan may dalawang uri lamang ng babae, naghihintay o sumusunggab.

     Si Anastacia na asawa ni Victor ay nagpapakita lamang ng isang magandang imahen ng mga babae sa lipunan. Mabuting asawa subalit kapag inaabuso ay parang bulking puputok. Si Emma naman nagpapakita ng babaing may paninindigan at may sariling desisyon.

     Hindi lahat ng babae ng pumapatol sa may asawa ay malandi o masamang babae. May tulad rin ni Carmela, wala siyang alam na may asawa si Victor at siya’y nagagrabyado dahil nilinlang siya nito na tulad din ni Ester na naging asawa nan i Eking na hindi man lang alam na may pamilya na itong tao at si Claudia na sumama sa kasintahan at napag-alaman niyang may pananagutan na ito.

   Lahat ng babae sa nobela ay nagpapakita ng katatagan.

   Mayroong klase ng babae na makapaghihintay tulad ni Anastacia, Carmela, Ester ng pag-ibig  hindi sila ang naghahanap. Ngunit mayroon din namang sumusunggab na tulad ni Isabel, Teresa, Claudia na minsa’y nauuwi sa maling desisyon.


Akda ng Pag-ibig
            Isinulat ang “Kung wala na ang tag-araw” ni de Guzman Lingat at inialay sa ama. Ginamit niya rito ang pangunahing tauhang lalaki na si Victor sa nobela. Nabahiran man ang pagkatao ng tauhang si Victor sa nobela ay hindi iyon ang nais ipakita ni Lingat. Ang nais ipakita ni Lingat ay ang katatagan ng mga babaeng tauhan sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan. Ipinapakita ng nobela ang pagpapaikot ng mga lalaki sa lipunan ayon sa kanila subalit sa hulu hindi sila mabubuhay ng wala ang mga babae. Ang pagmamahal ni Anastacia kay Victor na hanggang sa huli ay pinuntahan siya nito. Ang pagpunta ni Anastacia ang nagbigay liwanag o pag-asa kay Victor.

http://www.ateneopress.org/index.php?route=product/product&product_id=219
Tatsulok ng Pag-ibig
 



Anastacia-Victor-Teresa
Ester-Eking-Ana
Victor-Isabel-Donate
           

            Maraming naging tatsulok ng pag-ibig sa nobela. Ang pagkakaroon ng kabit ni Victor na si Teresa  na kanyang sekretarya. Kasama ni Victor palagi si Teresa saan man siya pupunta at ito’y nagsisilbing kanyang “all around katulong”, suportado siya nito parati. Subalit, malakas ang pang-amoy ni Anastacia dahil nakahahalata siya sa pagluluko ng asawa lalo na noong inihatid niya ito sa business trip sa Baguio at nakitang ang telang ibinigay nito sa kanya upang ipagawang damit ay katulad ng tela ng damit sa suot ni Teresa. Sa Baguio napagtanto ni Victor na ang mahal niya ay si Anastacia at ng magpadala siya ng sulat upang kumustahin ito at ang anak ay naghintay siya sa sagot subalit wala. Umuwi siya at nalamang sasama si Anastacia sa mga magulang sa Mindanao. Kinuha ni Victor ang mga anak niya at isinama.
            Si Eking na nagpakasal kay Ester na walang malay na siya’y may aswa’t anak na. nahuli ito ni Ana ng isang araw ay nagpanggap itong parokyano at pumunta sa bahay nina Ester para kausapin ang umano’y nais makausap na si Eking. Lalayas na sana si Eking ng mahuli siya ni Ana at sa laking gulat ni Ester ay pinagsisigawan na ito ni Ana at nalantad ang katotohanan na pangalawang asawa lang pala si Ester.
            Kapitbahay ni Victor ang mag-asawang sina Isabel at Donito. Sa mismong tapat ng bahay ni Victor ang bahay ng mag-asawa. Bago palang lipat ang mga ito’y napansin na ni Vicotr ang kakaibang ganda ni Isabel. Si Donito ay isang pulis at minsa’y hindi umuuwi sa bahay dahil panggabi naka-duty. Lihim na pumupunta si Vitor sa bahay ni Isabel at nakikipagtalik rito. Isang gabi ay tinanong siya ni Donito kung may napansin ba siyang kakaiba  o nakitang tao dahil ‘di umano’y may kapitbahay silang nakakita na may nagmula sa bahay nina Donito ng napakagabi sa bahay ni Victor papunta ngunit dahil madilim ay ‘di sigurado sa nakita. Naghinala na si Donito at ng isang gabing may duty ito ay naiwan si Isabel at sinenysan si Victor na pumunta at nagtalik silang dalawa. Pagkatapos ng mainit na tagpong iyo’y ‘di nila inasahang umuwi si Donito. Nataranta si Donito at biglang nanigas si Isabel. Tumalon sa bintana si Victor at nakarating sa bahay ng marinig niya ang malalakas na sigaw ni Isabel at mga lagapak na marahil ay mga sampal. Nagising ang mga kapitbahay at narinig nila ang malakas na putok, tumahimik, at isa na namang putok. Parehong duguan ang mag-asawa. Binaril ni Donito si Isabel at binaril niya ang sarili. Isinugod nila ito sa hospital at sa sasakyan pa ni Victor nakasakay. Siya ang nagbayad sa lahat at nagpasalamat si Donito. Mahal ni Donito si Isabel at dahil dito’y iniwan niya ang unang asawa para rito. Si Isabel ay mula sa kahirapan at sabi ni Donito ay bilang parusa ay ibabalik niya ito sa hirap ng pinagmulan nito.

Biro ng Tadhana
            Naging kabit si Victor ni Isabel at ng pagdudahan ito ng asawang si Donito ay binaril ang sarili at si Isabel.pareho niyang isinakay ang dalawa sa kanyang sasakyan at siya ang naghatid sa hospital. Siya pa ang nagbayad sa lahat at nagpasalamat pa si Donito sa kanya, hindi nito alam na siya ang kabit. Naramd.,aman ni Victor kung paano maging kabit at nakita niya kung paano naging tanga ang mga walang malay na asawa tulad ni Donito na mahal na mahal si Isabel subalit humanap pa ito ng iba.

            Dahil sa pagiging babaero ni Victor at sa mga naging kasalanan niya sa mga nasaktang babae at sa asawa dahil sa pagkakaroon ng kabit ay ang anak ang nagbayad ng kanyang mga kasalanan. May apat na anak si Victor tatlo ang babae (Julia, Claudia at Emma) at isa ang lalaki (Luisito). Si Claudia na masayahin ay isang sekretarya sa pinagtatrabahuan ni Victor ay nagkaroon ng nobyo na hindi alam ng ama. Pinupuntahan di umano ito ng isang lalaki sa opisina. Isanag araw hindi umuwi si Claudia at ng magtanong siya sa opisina nito’y huli itong nakita na kasama ang nobyo. ang nagawa niya’y napunta sa anak, sa mga nasaktan niyang babae. Nagpaksal si Claudia sa lalaki at nalamang may pananagutan ito. Bumalik si Claudia sa kanila at nabuhay ng parang walang tiwala sa sarili at takot sa mga taong nakapaligid sa kanya baka siya’y husgaha. Parating nakakulog si Claudia at hindi kumakain kaya nanghina at namatay.

Pagtitiyap ng Pagkakataon
            Nang makilala ni Victor si Carmela at nahulog ang loob niya rito. Si Carmela ay babaing kanyang pinapangarap. Maganda ito. Si  Carmelaay kaibigan ni Ester na nobya ni Eking na hindi alam na may asawa na sila. Umibig si Carmela sa kanya at sinong lalaki ang hindi iibig kay Carmela na napakahinhin at magaling mag-piano. Pinagtagpo silang dalawa ng may asawa na si Victor at hindi na Malaya. Isang araw nalaman ni Carmela ang totoo at nagalit kay Victor, hiniwalayan niya ito.
            Pinagtagpo ng pagkakataon sina Victor at Gina sa panahong si Victor ay parang nawalan ng ng pag-asa. Napagtanto niyang hindi tumitigil ang oras. Si Gina isang hostess na tumulong kay Victor ng malasing ito sa isang club kung saan siya nagtatrabaho. Dinala niya si Victor sa kanyang barong-barong. Minahal ni Victor si Gina at binigyan ng bahay. Hindi tulad ng dati ay naging masayahin si Victor dahil siya’y muling umubig. Si Gina na batang-bata ay nakatagpo ng dayber, ng nakabangga sa kanya isang araw na siyat namalengke. Nagtapat siya kay Victor at pinakawalan siya nito.
            Bumalik si Anastacia ng si Victor ay nanghihina na. nagkaroon ng sakit sa pag-iisip si Victor. Nakalimutan nan i Victor ang mga pangalan ng anak. Palagi niyang hinahanap si Anastacia. Nang nakaratay si Victor sa hospital ay narinig niya ang boses ni Anastacia. Sinabi nitong nais sana nitong bumalik noon sa kanila ng kanyang mga anak ng sumama ito sa magulang sa Mindanao ngunit sinabi n mga ito na wala silang ora para sa kanayng pamasahe.

Aral sa Buhay
            Mag-enjoy sa buhay habang bata pa dahil hindi tumitigil ang oras subalit isiping ang bawat hakbang na gagawin dahil hind na maibabalik ang mga oras, ang mga bagay na nagawa na. tiyaking ang paepapakasaya ay may magandang resulta na walang masasaktan at hindi ka masasaktan sa huli. Walang pagsisisis na nasa unahan, lagging ang pagsisisi ay nahuhuli.
            Ang pag-aasawa ay hindi madaling desisyon. Huwag magmadali sa buhay tulad nina Victor at Anastacia na batang bata ng magtanan at mag-asawa. Hindi sila nakinig sa mga payo ng mga nakatatanda tulad ni Lucio na parating sinasabihan si Victor na napakabata pa para mag-asawa.
            Huwag kaad i-surrender ang ‘Bataan”, mga babae. Kilalanin ang mga lalaki at huwag kaagad magtiwala at ibigay lahat. Huwag magpadala sa simbuyo ng damdami. Huwag puso ang pairalin parati dapat kasali ang utak.
Huwag gumawa ng masama sa kapwa dahil madaling bumalik ng karma. Tulad ni Victor na maraming kabit at nasaktang babae at ang anak na babae ay natulad sa mga babaeng nasaktan at naluko niya.

Biktima ng Kaligiran
            Hindi mabubuhay ang tao na siya lamang kinakailangan niyang makisalamuha o makisama sa iba. Sa pamumuhay sa mundong ito ay hindi maiiwasang maimpluwensyahan ang tao ng mga nakapaligid sa kanya kaya hindi natin makukundina ang tao sa kung ano ang magiging desisyon niya o sa kung anong daan ang tatahakin niya sapagkat ang tao ay biktima lamang ng kanyang kaligiran.
            Sa simpleng pamumuhay ni Victor at Anastacia ay hindi mo iisiping hahantong sila sa paghihiwalayan. Umuuwi si Victor sa kanilang bahay pagkatapos ng oras ng trabaho at kung hindi ay tumatambay siya sa paboritong restoran at makikipagbiruan sa mga serbedora ngunit ni minsan ay hindi nasagi sa isip ni Victor ang magtaksil sa asawa hanggang sa dumating itong si Eking na nagpabago sa tagbo ng pamumuhay ni Victor. Dahil sa temtasyong dala ni Eking na sinakyan naman ni Victor ay nagsimulang nagbago ang lahat, nagtaksil si Victor sa kanyang asawa at mga anak dahil umibig siya sa ibang babae.
            Sinasabing may dalawang uri lamang ang tao sa mundo, ang manloloko at ang nagpapaloko. Sa kasawiang palad kasama sa uri ng mga nalilinlang sina Ester at Carmela na pawang ang nais lamang ay makatagpo ng lalaking makakasama nila na panghabambuhay at iibigin sila ng lubos na simantala naman nina Eking at Victor. Napasok nila ang sitwasyong wala silang kaalam-alam, inakalang tapat ang kanilang mga iniibig subalit nakatali na pala ang mga ito sa iba, nakabigkis na sa ngalan ng Diyos at ito ang nagbunsod sa pagkasira ng kanilang mga buhay.
            Sadyang mahirap tanggihan ang tukso, sabi nga nila masarap ang bawal subalit ang sobrang sarap ay nakakalula, nakakaumay at nakapagbibigay karamdaman sa isang tao na maaring makapahamak sa kanya. Si Victor at Eking ay kapwa biktima ng tuksong ito na bunga ng mga nakapaligid sa kanila, kahit pa sa kabataan ni Victor ay nakaranas na ito ng tukso nang matukso itong itanan si Anastacia dahil sa bugso ng damdamin sa murag edad marahil faktor din ito sa kanyang pagtataksil bunsod sa kabataang hindi lubusang nalasap. Si Anatascia man din ay naging biktima rin ng kanyang kapaligiran dahil sa pagtataksil ng asawa ay nabuwag ang kanyang pamilya at biktima ng sariling pamilya dahil sa kapatid at ina nawalay siya sa kanyang mga anak at hindi na nakabalik. Wala ring ligtas si Donato at Isabel sa tuksong ito. Si Donato na nagpakalayo sa sariling pamilya kapalit ang pobreng probinsyana na si Isabel at si Isabel naman ay napilitang sumama makaahon lang siya at ang kanyang pamilya sa kahirapan mayroon sa bundok.
            Hindi lahat ng gumagawa ng masama ay masama, ang iba’y talagang wala ng mapagpipilian. Ipinakita sa akda kung gaano naghirap ang mga tao sa kasagsagan ng digmaan, inilahad kung papaano hinarap  at nilutas ng mga naapektuhan ang suliranin sa kagutuman, napilitan na lamang ang mamamayan ng magnakaw may makain lamang maging ito ay labag sa kanilang kalooban. Nagpapatunay lamang ito na sa gitna ng matinding kagipitan maging kumapit sa patalim ay gagawin ng tao mapabuti lamang.

           
Kathang Historikal
Sa pagdaloy ng kwento hindi lamang ang mga tauhan ang dumanas ng kahirapan maging ang lipunan kinabibilangan ay nagkaroon ng suliranin na fackor din sa paghihirap ng mga tauhan.
Isinalaysay ang pagkakaroon ng digmaan noon. Na ating makikita sa nakaraan bagaman hindi magkatulad ang panahon at kadahilanan, nagpapakita pa rin ito kung gaano kahirap ang masangkot sa isang digmaan. Maraming sibilyan ang nagbuluntaryo na lumaban at nangamatay kasama na dito ang kaisa-isang anak na lalaki ni Victor na si Luisito. Marami ang nagsilikas at nangagutom. Nagpapakita lamang ito kung gaano naghirap ang mamamayan noong kasagsagan ng digmaan.
Ipinakita rin sa akda ang panahon ng eleksyon kung saan si Ramon Magsaysay ang naturing na Pangulo ng Pilipinas. Naging maugong ang karumihan ng pulitika, kaya masasabing kahit noon pay talamak na ang dayaan. Isinalaysay ang katotohanang gagawin lahat ng politiko maluklok lang sa pwesto maging maragas man ito.